top of page
Writer's pictureRP Team

The Saints' Happiness


Ang mga nagdadalamhati sa kasalanan ay pinagpala, dahil ito ay isang paraan upang maiwasan ang walang hanggang kalungkutan. Ang mga makasalanan sa balat ng lupa ay kailangang maunawaan kung ano ang kahulugan ng kasalanan. Kung paanong ipinasiya sa langit na ang lahat ng tao ay kailangang minsang mamatay, gayon din naman ipinasiya na ang lahat ng tao ay dapat minsang malungkot. Ito ay isang tiyak na tuntunin; dapat kang magkaroon ng kalungkutan para sa kasalanan at magsisi. Mas mabuti pang magdalamhati para sa kasalanan habang ito ay maaaring patawarin, kaysa magdalamhati para sa kasalanan kapag wala ng makakatulong! Kung sakaling palilipasin mo ang iyong mga araw sa kasayahan dito, at hindi mo naramdaman ang bigat ng kasalanan sa iyong espiritu, ikaw ay nakalaan upang magkaroon ng walang hanggang kalungkutan bilang iyong bahagi, at maiatang sayo ang bigat ng kasalanan sa buong kawalang-hanggan!


Ngunit mapalad sila na nagdadalamhati ngayon, na nararamdaman ang bigat ng kasalanan ngayon! Nararamdaman nila ito sa panahong mayroon pa silang pag-asa na maligtas mula sa kasamaan ng kasalanan hanggang sa kawalang-hanggan. Ilang libong kalalakihan at kababaihan ang namuhay nang matiwasay, at ginugol ang buong buhay nila sa katigasan ng kanilang mga puso, at hindi kailanman napagtanto ang kanilang kasalanan, at sumigaw sa kanilang mga higaan, ngunit inilayo ng Panginoon ang kanyang sarili mula sa kanila.


Ngayon ay aapela ako sa isang ganyan, aakalain mo bang isang mapalad na bagay ang magkaroon ng bigat ng kasalanan sa iyong kaluluwa, sa panahon ng iyong lakas? Maririnig mo silang sumisigaw, 'Masaya kung nalaman ko sana ang kasamaan ng kasalanan noon, at ginugol ko ang aking oras hindi sa pagsasaya, kundi sa pagluluksa sa kasalanan! Ngayon sa may sakit na kama ay malalaman ko ang ginhawa at kapayapaan. Ako ay pinangunahan ng katinuan at ng laman, at ngayon ang bigat ng kasalanan ay dumarating sa akin! Ngayon nararamdaman ko ito bilang isang mabigat na karga. Ang Panginoon ay mahabag sa akin! Mas mabuti pang nagluksa ako noon pa!' Ang pagluluksa ay angkop sa atin upang matanggap ang biyaya ng Diyos kay Kristo! Kay tamis ng isang patak ng awa! Ito ay nagkakahalaga ng higit sa sampung libong mundo.


JEREMIAH BURROUGHS, The Saints' Happiness

3 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page