top of page
Writer's pictureRP Team

Si Hesus Bilang Ating Lahat sa Lahat


Tayong naghahayag at nagtataglay ng mahalagang pananampalataya kay Kristo sa katotohanan, ginagawa rin ba natin siyang ating lahat sa lahat? Sa pamamagitan ng ating dila siya ay maaaring marinig, ngunit sa ating buhay at gawa, siya ba ay matatagpuan?


Bilang Tagapagligtas marami ang magmamay-ari sa kanya, ngunit bilang Panginoon kakaunti ang nakakakilala sa kanya. Halos lahat ay mauuna sa kanya. Napakaraming naghahangad ng isang alagang hayop, o bulaklak sa hardin, ng bagong suotin o mga naka-istilong damit, at iba pang mga bagay bilang kanilang lahat sa lahat.


Malaki ang kapangyarihan ng makamundong kayamanan. Sa mga oras ng karamdaman, hayaan si Nabal na tumawag at dumaing dito, at tingnan kung ito ay makapagliligtas sa kanya sa pagkabalisa ng budhi. Hayaang makita ni Judas kung anong kaginhawaan ang maibibigay sa kanya ng kanyang pera sa araw ng kamatayan at paghuhukom. Hindi ba tinuturuan tayo ng karanasan na sumigaw ng 'lahat ay walang kabuluhan'?


Ilagay si Kristo sa lahat ng ating mga hangarin at kagustuhan, at ang lahat ng material na bagay na mayroon ang buong mundo ay hindi karapat-dapat na pahalagahan kumpara sa kayamanang ito. Iilan lamang ang may maliit at mahinang hangarin: 'O nawa'y maging akin si Kristo!'; ngunit hindi siya masusumpungan ng mga naghahanap sa kanya ng tamad at malamig, at mga nagnanais pa ng buong mundo bukod sa Kanya.


Siya na nagnanais ng anumang bagay na higit sa kanya, pantay na kasama niya, o kung wala siya, ay hinding-hindi makakamtan siya. Siya ay makakamtan lamang kapag hinanap mo siya nang buong kaluluwa at lakas. Yakapin mo siya ng iyong dalawang bisig ng pagmamahal. Ang lahat ng mga ilog ng iyong pagnanais sa mundo kung pagsama-samahin man ay hindi dapat bumuo ng isang agos na kasinglakas ng iyong pagmamahal sa kanya. Siya ay nagdusa ng lahat para sa iyo; siya ay dapat na iyong lahat sa lahat nang walang anumang karibal sa pagmamahal.


O napakahirap na damdamin pagdating sa aktwal na pagsasabuhay nito, ang pagpapabaya sa lahat ng kumikinang na pang-akit at tukso ng laman at hayaan siyang mapasa lahat ng ating kagalakan! Ang kabuuan ng ating tungkulin bilang mga tao ay ibigay ang ating-sarili nang buo kay Kristo-kaluluwa, espiritu, at katawan, at lahat ng nasa atin na iniaalay at inilalaan ang ating sarili sa paglilingkod sa kanya sa lahat ng araw ng ating buhay.


SAMUEL WARD, Sermons

12 views

Recent Posts

See All

Commenti


bottom of page