top of page
Writer's pictureRP Team

Hindi Nagbabago Ang Diyos


Kamangmangan ang ilagak ang ating mga puso sa bagay na papanaw. Ang mga ito ay walang halaga para sa ating mga kaluluwa. Kung gusto nating magkaroon ng pahinga, dapat tayong tumakbo sa Diyos at magpahinga lamang sa Kanya. Hindi karapat-dapat ang ibang mga bagay na maging sentro ng ating mga kaluluwa. Nagbabago ang mga ito sa mismong paggamit natin ng mga ito, at nawawalan ng saysay habang tinatangkilik.


"Hindi nagbabago." Ang diwa ng Diyos, at lahat ng kasakdalan ng kanyang kalikasan, ay hindi nagbabago mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Hindi lamang siya walang hanggan sa tagal, hindi rin siya nagbabago sa katagalan na iyon. Ang nagtatagal ay hindi nagbabago, at ang nagbabago ay hindi nagtatagal. Ang Diyos ay hindi nagbabago sa kanyang kalikasan, kalooban at layunin. Walang anino ng pagbabago kahit na napakaliit.


Jehovah - Ako nga! Ang lahat ng iba pang bagay ay nanginginig na parang tubig na dumadaloy, habang siya ay nananatiling matatag at hindi natitinag. Ang kanyang karunungan, kapangyarihan, at kaalaman ay palaging nananatili. Walang pagbabago sa sarili o dahil sa anumang panlabas na dahilan. Wala sa kaniyang kulang, wala sa kanyang mawawala, at nananatili siyang umiiral sa kanyang sarili, nang walang anumang dumarating na bagong kalikasan, bagong kaisipan, bagong kalooban, bagong layunin, o bagong lugar. Ang kabuuan ng kanyang pagiging perpekto ay hindi nababago nang walang kahit na anino ng di-kasakdalan.


Magiging malabo ang kanyang pagpapala kung siya ay magbabago! Kung ang kanyang karunungan ay maaaring manlabo o ang kanyang kapangyarihan ay manghina! Mawawala ang kinang ng awa kung ito ay maaaring maging poot! Si Jehova ay walang hanggang lakas, at ang kaniyang awa at kabanalan ay nananatili magpakailanman. Siya ay hindi kailanman makatingin sa kasamaan. Siya ay matibay na bato sa katuwiran ng kaniyang mga pamamaraan; siya ang katotohanan ng kanyang salita, at ang kabanalan ng kanyang mga pagkilos. Ang Diyos ay banal, masaya, matalino, at mabuti, sa pamamagitan ng kanyang kakanyahan. Ang mga tao ay ginawang banal, matalino, masaya, malakas, at mabuti, sa pamamagitan ng kaloob at biyaya ng Diyos.


Stephen Charnock, Existence and Attributes of God

35 views

Recent Posts

See All

Σχόλια


bottom of page