Dapat tayong magkaroon ng isang klaseng pananampalataya na magpapatunay sa ating mga pag-asa at pipigilin ang kahalayan, sapagkat sa likuran ng puso ng tao ang lahat ay para lamang sa kasalukuyang kasiyahan. Bagama't ang mga kasiyahan ng kasalanan ay maikli at hindi pangmatagalan, gayunpaman, dahil ang mga ito ay malapit sa atin, sila ay may higit na impluwensya kaysa sa mga kagalakan ng langit, na sa hinaharap pa at wala pa sa piling natin ngayon.
Nagtataka tayo sa kahangalan ni Esau na ipagbili ang kanyang pagkapanganay para sa isang piraso ng karne (Heb. 12:16). Kapag ang pagnanasa ay naninindigan at nananabik na matupad, ang lahat ng pagsasaalang-alang sa walang hanggang kaluwalhatian at pagpapala ay isinasantabi upang bigyan ito ng kasiyahan. Marami ang humihiwalay sa mga kagalakan ng Kristiyanismo para lamang sa masasama ngunit maliit na halaga. Ang kaunting kasiyahan, kaunting pakinabang, kaunting kaligayahan sa mundo, ay magdudulot sa mga tao upang lumayo sa lahat ng tapat at sagrado.
Magtataka ang isang tao sa kanilang kahangalan, ngunit ang malaking dahilan ay, namumuhay sila ayon sa laman: 'Sapagka't si Demas, sa pag-ibig sa kasalukuyang mundong ito, ay iniwan ako' (2 Tim. 4:10). Dito namamalagi ang pain, ang mga bagay na ito ay nakikita; maaari nating matikman ang kasiyahan ng mundo, at madama ang kasiyahan ng laman, ngunit ang kaligayahan ng mundong darating ay hindi nakikita at hindi alam.
'Kumain at uminom tayo, sapagkat bukas tayo ay mamamatay' (1 Cor. 15:32). Ito ang wika ng bawat pusong laman. Ang kasalukuyang mga pakinabang at walang kabuluhan, kahit na ang mga ito ay maliit at walang halaga, ay may higit na kapangyarihang ilihis tayo kaysa sa mabubuting bagay sa malayo, at ang mga pangako ng Diyos, upang akitin at ilapit ang ating mga puso sa Diyos.
Dito nakasalalay ang ugat at lakas ng lahat ng tukso; ang mga hirap ng pagiging mahigpit sa relihiyon ay naroroon, at maaaring mayroon silang kasalukuyang kasuklam-suklam at kasalukuyang problema sa laman, at ang ating mga gantimpala ay hinaharap pa.
Kaya, paano natin masusuri ang pamumuhay na ito na nasa laman? Anu pa, kundi ang pananampalataya, na nagpapatunay sa ating pag-asa, ay nagbibigay ng lunas. Ginagawa ng pananampalataya na maging totoo ang mga bagay na parang tinatangkilik na. Kung saan ang pananampalataya ay buhay at malakas, at ito ay 'ang pananalig sa mga bagay na hindi nakikita', ito ay lumalaban at tinatalo ang lahat ng mga tukso.
Thomas Manton, By Faith, Sermons on Hebrews II
Comments