top of page
Writer's pictureDexter Bersonda

John Huss (1370-1415)

Si Jan Hus (minsan ay anglicized bilang John Hus o John Huss, at tinutukoy sa mga historical texts bilang Iohannes Hus o Johannes Huss), ay isang Czech na teologo at pilosopo na naging isang reformer ng Simbahan at ang inspirasyon ng Hussitism, isang pangunahing grupo ng Protestantismo, at isang napakahalagang haligi sa Bohemian Reformation.


Ang salitang “Huss” ay “gansa” sa wikang Czech kaya kinilala siya bilang isang “goose” na naging “swan.” Nang siya ay sunugin ng mga awtoridad ng Roman Catholic Church dahil sa pagtuturo niya na ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at hindi ng gawa, binanggit niya na “maaaring sunugin ang gansang ito, ngunit mula sa abo ay lilitaw ang isang swan na haharap sa Roman Catholic Church”


Si Hus ay itinuturing ng ilan bilang unang reformer ng Simbahan, kahit na itinalaga ng ilan ang karangalang ito sa teoristang si John Wycliffe o Marcion ng Sinope. Ang kanyang mga turo ay nagkaroon ng malaking impluwensya, unang-una sa pagka-apruba ng isang reformed na Bohemian denomination at, pagkaraan ng mahigit isang siglo, kay Martin Luther. Si Hus ay isang master, dean at rector sa Charles University sa Prague noong 1409–1410.


Si Jan Hus ay ipinanganak sa Husinec, Bohemia, sa mahihirap na magulang. Upang makatakas sa kahirapan, nag-aral si Hus para sa pagpapari. Sa murang edad ay naglakbay siya sa Prague, kung saan sinuportahan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pag-awit at paglilingkod sa mga simbahan. Ang kanyang pag-uugali ay positibo at ang kanyang commitment sa kanyang pag-aaral ay kapansin-pansin. Pagkatapos makakuha ng Bachelor of Arts degree at ma-ordain bilang pari, nagsimulang mangaral si Hus sa Prague. Nabasa niya ang mga sinulat ni Wycliffe at sa pamamagitan noon ay nanampalataya kay Hesukristo. Nagsimula siyang ipangaral ang ebanghelyo at naging isang tanyag na pari sa Bohemia. Sinalungat niya ang maraming aspeto ng Simbahang Katoliko sa Bohemia, tulad ng kanilang mga pananaw sa eklesiolohiya, simonya, Eukaristiya, at iba pang mga paksang teolohiko.

Nang mahalal si Alexander V bilang isang papa, nahikayat siyang pumanig sa mga awtoridad ng Simbahang Bohemian laban kay Hus at sa kaniyang mga alagad. Naglabas siya ng Papal bull na nagtiwalag kay Hus; gayunpaman, hindi ito ipinatupad, at nagpatuloy si Hus sa pangangaral. Pagkatapos ay nagsalita si Hus laban sa kahalili ni Alexander V, si Antipope John XXIII, dahil sa kanyang pagbebenta ng mga indulhensiya. Ang mga indulhensya ay ibenebenta ng simbahan at nagsisilbing ticket sa kaligtasan ng mga kamag-anak ng bumili upang ang mga ito ay makalabas ng purgatoryo at makaakyat sa langit. Dahil sa kanyang pagsasalita laban sa papa ay ipinatupad ang pagtitiwalag kay Hus, at ginugol niya ang sumunod na dalawang taon na nasa exile.


Noong panahong iyon ay tatlong Papa ang nag-aagawan sa pwesto bilang pinuno ng simbahan. Sila ay nagkaroon ng pagtitipon upang ayusin ang agawan sa pwesto, pero sa halip ay naging paraan ang pagtitipon upang ikondena si John Huss dahil sa pagtuturo ng totoong ebanghelyo. Nang magtipon ang Council of Constance, si Hus ay hiniling na dumalo at ipahayag ang kanyang mga pananaw sa mga issue ng hindi pagkakaunawaan sa Simbahan. Pagdating niya, agad siyang inaresto at ikinulong. Sa kalaunan ay dinala siya sa harap ng konseho at hiniling na bawiin ang kanyang mga pananaw. Sumagot siya, "Kahit na sa isang kapilya ng ginto ay hindi ako aatras mula sa katotohanan!". Nang tumanggi siya, ibinalik siya sa bilangguan. Noong Hulyo 6, 1415, sinunog siya dahil sa maling pananampalataya laban sa mga doktrina ng Simbahang Katoliko. Maririnig siyang kumakanta ng Mga Awit habang siya ay nasusunog. Sa kanyang namamatay na mga salita, hinulaan ni Hus na ibabangon ng Diyos ang iba na ang mga panawagan para sa reporma ay hindi mapipigilan; ito ay na-recognize sa kalaunan bilang isang hula tungkol kay Martin Luther (ipinanganak 68 taon pagkatapos ng kamatayan ni Hus).


Matapos bitayin si Hus, ang mga tagasunod ng kanyang mga turo sa relihiyon (kilala bilang Hussites) ay tumanggi na pumili ng isa pang Katolikong monarko at tinalo ang limang magkakasunod na krusada ng papa sa pagitan ng 1420 at 1431 sa tinatawag na Hussite Wars. Ang populasyon ng mga Bohemians at Moravians ay nanatiling majority na Hussite hanggang noong 1620s, nang ang kanilang pagkatalo sa Battle of White Mountain ay nagresulta na maipailalim sa paghahari ng Habsburgs sa susunod na 300 taon ang lupain ng mga Bohemians. Sa panahong ito ay napailalim ang Bohemia sa sapilitang pagbabalik-loob sa isang matinding kampanya ng pagbabalik sa Katolisismo.



51 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page