top of page
Writer's pictureRP Team

Ano Ang Reformed Theology?


Marahil ay naririnig mo na ang katagang “Reformed Theology” sa panahon ngayon at maaaring narinig mo na rin ang ilan na tinatawag ang sarili nilang “reformed” pero hindi malinaw sayo kung ano ang ibig sabihin ng mga ito. Ayon sa GotQuestions.org, ang reformed theology ay isang sistema ng mga paniniwala na nagmula pa sa protestant reformation noong ika-16th na siglo. Ang reformation na ito ay ginawa ng mga “reformers” ng naaayon sa kanilang pagkaunawa sa sinasabi ng bibliya tungkol sa iba’t ibang doktrina. Isa sa pinanghahawakan ng mga reformers ay ang “Sola Scriptura” na kinikilala na ang pinakamataas na awtoridad sa pagtuturo ay ang sinasabi lamang ng salita ng Diyos. Ang sufficiency o kasapatan ng Bibliya ay pinanghahawakan ng maraming protestant groups. Gayundin ang justification (o pagpapalagay na matuwid) sa pamamagitan ng biyaya at pananampalataya. Gayunpaman, merong ibang mga doktrina na naghihiwalay sa reformed theology kumpara sa ibang mga protestanteng grupo:


  1. Ang Limang Solas. Ito ay tumutukoy na ang kaligtasan ay naaayon sa Salita ng Diyos lamang, sa pamamagitan ng pananampalataya lamang, dahil sa biyaya ng Diyos lamang, na nakay Kristo lamang at para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang.

  2. Ang Doctrines of Grace o tinatawag ding Five Points of Calvinism o ang acronym nitong TULIP. Ito ang nagpapaliwanag sa paraan ng pagliligtas sa atin ng Diyos, kung saan ang binibigyan ng diin ay ang sovereignty ng Diyos at hindi ng free will ng tao.

  3. Ang mga confessional standards na matatagpuan sa:

    1. Three Forms of Unity (Belgic Confession, Canons of Dort, at ang Heidelberg Catechism)

    2. Westminster Standards, or

    3. Second London Confession

Ang ilan pa sa mga distinctives ng reformed theology ay ang pagsunod sa sakramento ng baptism at communion, ang pagiging "cessationist" pagdating sa spiritual gifts (ang paniniwala ay ang pagtigil ng apostolic gifts pagkatapos ng panahon ng mga apostol), ang kahalagahan ng pangangaral ng mabuting balita, at ang pag-unawa sa Salita ng Diyos mula sa mga covenants o kasunduan na itinalaga ng Diyos sa pagitan Niya at ng mga tao.


Ang mga reformers ay mga masugid na expositional preachers at nagsulat ng mga aklat sa systematic theology. Ang ganitong klaseng pagtuturo ay sinusundan ng mga reformed churches hanggang sa ngayon para maibigay ng wasto ang salita ng Diyos sa mga tao.



336 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page