top of page
  • Writer's pictureErwin Creencia

The Exclusive Gospel of Christ



Purihin po natin ang ating Diyos na makapangyarihan sa lahat!

 

Ako po ay nagagalak na makapag-hatid muli ng mensahe sa kapatiran sa umagang ito.

 

Ilang Linggo po ang nakaraan nang tayo ay magsimula sa isang series. Nais ko pong ipagpapatuloy sa ating pag-aaral sa Liham ni Pablo sa mga Taga-Galatia.

 

Kung atin pong balikan ang atin pong nagtutunan sa huli nating napag-aralan:

 

Ating pong Nakita kung paano po sinimulan ni Pablo ang kanyang liham sa mga Taga-Galatia: Na sa unang tingin ay simpleng pag- bati lamang ni Pablo sa isang iglesia na gaya nang mga iba niyang liham.

 

Makikita po natin na sa umpisa pa lamang ay hi-nighlight po agad ni Pablo (1) kung ano ang kanyang qualification bilang tunay na Apostol upang ihayag ang Gospel message na galing sa langit. (2) Nagbigay din po siya ng review summary sa mga Taga-Galatia tungkol sa “grace”: (i) kung ano ito, (ii) kung Kanino ito nagmula, at (iii) kung ano ang kinailangang gawin, monergistically, ng Diyos upang matamo ang kaligtasan at para ito ay maigawad Niya sa Kanyang mga pinili  ang “grace” na sufficient para sa lahat ng gusto Niyang iligtas.

 

Natutunan din natin na…

 

Galatians 1:1-5

Truth # 1: It is only by Grace alone that you are saved. (v.3)

 

Ang Gospel of Grace allows for nothing else for man to be saved! Sabi nga ni Jonathan Edwards, “You contribute nothing to your salvation except the sin that made it necessary.”… Wala ka daw kahit na anong pwedeng i-ambag para sa iyong kaligtasan maliban sa kasalanan kung bakit ito kinailangan.

Romans 11:6 Legacy Standard Bible 6 But if it is by grace, it is no longer of works, otherwise grace is no longer grace.

Truth # 2: If grace is all you have, you have all that you’ll ever need. (v. 3, 4)

 

Ang Grace (o Biyaya) na iginawad sa atin ng ating Panginoong Diyos ay hindi libre. Mayroon pong nagbayad nito. At ang pinambayad po ay ang pinaka-tatangi at pinaka-dakilang dugo ng ating Panginoong Hesu-Kristo  dahilan kung bakit ang grace o ang biyaya ng Diyos ay ang pinakamahalagang commodity this side of Heaven. In essence, ito lang po talaga ang kailangan natin ngayon sa ating buhay. Mawala na sa atin ang lahat ng bagay sa mundong ito, huwag lang ang biyaya ng Panginoon!

 

Truth # 3: It is God’s plan and He is the One Who executes His plan and therefore it is He alone who shall be glorified. (v.4-5)

 

Ang kaligtasan po natin ay pinlano ng ating Diyos (nabanggit ko po last time ang Covenant of Redemption). Siya po ang kumilos, monergistically, upang makamit ang Kanyang holy justice na kung saan Siya mismo ang pumili ng kaparaanan ng kabayaran para sa ating mga kasalanan para maging propitiation  na ang galit ng isang banal na Diyos sa mga nagkasala ay mawala.

Isaiah 43:25 Legacy Standard Bible 25 “I, even I, am the one who wipes out your transgressions for My own sake, And I will not remember your sins.

Siya lang din po ang mag-ga-gawad ang kaligtasang ito para sa Kanyang mga pinili. At dahil ito ay Kanyang ginawa ng walang partisipasyon ang sinumang nilalang, ito ay nagawa Niya perfectly to the eternal glory of God alone.

 

Sa atin pong pagpa-patuloy atin pong basahin ang kasunod na mga talata sa Galatians Chapter 1:6-10.

Galatians 1:6-10 Legacy Standard Bible 6 I marvel that you are so quickly deserting Him who called you by the grace of Christ for a different gospel, 7 which is really not another, only there are some who are disturbing you and want to distort the gospel of Christ. 8 But even if we, or an angel from heaven, should proclaim to you a gospel contrary to the gospel we have proclaimed to you, let him be accursed! 9 As we have said before, so I say again now, if any man is proclaiming to you a gospel contrary to what you received, let him be accursed!

At this point po sa liham na ito, itinuloy po ni Pablo ang kanyang rebuke para sa iglesia ng mga Taga-Galatia dahil po at this point din, madami na pong naka-infiltrate na mga Judaizers sa congregation na nagba-bastardize o nagpe-pervert ng Gospel na pinipreach ni Pablo. Matatandaan din po natin ang commentary ni Matthew Henry na nagsasabi na halos lahat daw ng mga church sa Galatia noong panahon na ito ay more or less corrupted na ng mga naka-pasok na mga Judaizers at walang nang naging choice si Pablo kung hindi i-address finally ang lahat ng mga local churches na ito sa liham niyang ito whatever the stage na ng corruption ang meron man sa kanila in the hopes na yung mga natitirang nananatiling tapat sa Gospel ng Panginoon ay marecover pa niya sa katotohanan.

 

Verse 6

6 I marvel that you are so quickly deserting Him who called you by the grace of Christ for a different gospel,

 

Nagsimula na si Pablo sa kanyang formal rebuke: “I marvel”, Greek: thaumazō (Pronounciation: thou-mad'-zo) na ang ibig sabihin ay to wonder, by implication ay to admire. Ito ay isang uri ng sarcasm na pinahatid ni Pablo sa mga mambabasa ng kanyang liham. Kung sa tagalog po ang vernacular term na ginamit ni Pablo ay “Bilib naman ako sa inyo…” ini-imagine ko na habang binibigkas ito ni Pablo ay mayroon siyang pag-iling ng ulo at slight smirk sa kanyang mga labi kasabay ng sarcastic tone nito upang i- underscore ang bigat ng ginawa nila…

 

Cont of Verse 6

6 I marvel that you are so quickly deserting Him who called you by the grace of Christ for a different gospel.

 

“Bilib naman ako sa inyo…”

 

“…ang bilis niyo namang nakalimot! Nalingat lang ako saglit e iniwan niyo na Siya (God the Father) agad na tumawag sa inyo sa biyaya ni Kristo para sa ibang katuruan.”

 

Ito ay isang napaka-seryosong paratang para sa isang totoong church kung saan sila’y inakusahan na umiwan sa Diyos, sa Kanyang grace na na-kay Kristo Hesus. Kung sila nga ay totoong church ng Panginoon ay dapat na sila’y masaktan sa sinabing ito ni Pablo.

 

“Ang bilis niyo naming makalimot!”

 

Mayroon pong isang hymn ang title po ay “Come, Thou Fount of Every Blessing” at sa lyrics po nito ay nakasulat sa last stanza…

 

“O, to grace how great a debtor, Daily I'm constrained to be! Let Thy goodness like a fetter, Bind my wand'ring heart to thee; Prone to wander, Lord, I feel it, Prone to leave the God I love.

Here's my heart, O take and seal it. Seal it for Thy courts above.”

 

Totoo nga pong napakabilis makalimot ng tao sa kanyang Diyos at ang kanyang puso ay prone to wander, kaya nga po inutos ng Diyos sa mga Israelita noon…

 

Deuteronomy 4:9 Legacy Standard Bible 9 “Only keep yourself and keep your soul very carefully, lest you forget the things which your eyes have seen and lest they depart from your heart all the days of your life. But make them known to your sons and to your grandsons.

 

Ayon kay John Calvin sa kanyang commentary tungkol dito: “To revolt from the Son of God under any circumstance is unworthy and disgraceful; but to revolt from Him after being invited to partake salvation by grace is more eminently base. His goodness to us renders our ingratitude to Him more dreadfully heinous.”

 

Ano po ba ang ibig sabihin ng heinous? ayon sa Oxford English Dictionary, ang definition po ng salitang heinous ay - utterly odious or wicked, sa Tagalog po ay “buktot” kung saan natin kinuha ang salitang “kabuktutan.” Ito ay kasamaan o kawalan ng moralidad. Ang salitang “kabuktutan” ay madalas na ginagamit natin sa pag- describe ng mga gawain ng demonyo.

 

Meron po bang professing Christian na buktot?

 

Idagdag pa dito ang pagbanggit ni Pablo kung gaano kabilis silang nakalimot. Ayon pa rin kay John Calvin: “When it is considered how soon they had discovered a want of steadfastness, their guilt is still further heightened.”

 

Ang kabuktutan ng mga taga-Galatia ay ang pagtalikod sa Diyos at sa Kanyang biyaya. At sa bilis nilang makalimot, ito ay mas nakapagpalala ng kanilang kasalanan:

 

Nasa kanila na ang pinaka-precious na commodity this side of heaven, ang biyaya ng Panginoon, pero hindi nila ito tinreasure. Nasa kanila na ang favor ng Panginoong Diyos ngunit tinalikuran nila ito ng ganun na lamang. Nasa kanila na ang Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon: ang Panginoong Hesus, ngunit walang ka-abug-abog nila itong tinalikuran kapalit ng ibang katuruan.” Tinalikuran nila ang pinaka-mataas na pribilehiyo bilang mga pinili ng Diyos, ang pribilehiyong maging anak ng Ama ng sangnilikha.

 

Marahil nga ang mga Taga-Galatia ay nabudol ng mga Judaizers. Pero they do not have any excuse! Gaya po natin sa ngayon  hindi po tayo dapat magpabudol sa sinuman at dapat pong tayo ay marunong mag-discern kung ang mensahe ay naaayon sa Gospel of grace o kung ito ay galing sa kaaway.

 

Paano po tayo magkakaroon ng discernment kung ang isang mensahe ay naaayon sa Gospel of grace?

 

Psalm 119:11 Legacy Standard Bible 11 Your word I have treasured in my heart, That I may not sin against You.

 

Ayon sa verse, kailangan po nating pag-aralan at isapuso ang Salita ng Diyos! We need to treasure in our hearts, the Doctrines of Grace, the Doctrines of the Church, the Doctrines of Christ.  that we may not sin against Him.

 

Kaya nga po dito sa church natin ay malalim nating inaaral at pinagbubulay-bulayan ang Salita ng Diyos, mga doctrines, ang mga catechisms, confessions, at creeds ng mga sinaunang mga mananampalataya. Ito ay para hindi natin ito malimutan, bagkus ay mag-ugat ito sa ating mga puso at kaluluwa upang hindi natin, ni sa panaginip man lang, matalikuran ang ating Panginoon na Siyang nag-gawad ng Kanyang biyaya sa ating mga hindi karapat- dapat.

 

Truth # 1

Ang Iglesia ng Diyos ay Iglesia ng Kanyang Salita – Walang puwang ang ibang katuruan sa Iglesiang Kanyang itinatag.

 

Verse 7

7 which is really not another, only there are some who are disturbing you and want to distort the gospel of Christ.

 

“Which is really NOT another!” ayon nga kay Pablo, ang “bagong katuruan” daw na pinalalaganap ng mga Judaizers ay hindi daw ibang gospel. Ayon kay Pablo, WALA daw ibang Gospel. Mayroon lang daw pong mga nanggugulo sa kanilang Iglesia upang baluktutin ang Gospel ni Christ.

 

Isa lang daw po ang katotohanan na galing sa Diyos patungkol sa kaligtasan. Wala daw pong ibang katotohanan!

 

It’s either you have the Gospel or not. It’s either you have the true Gospel of Christ or no gospel at all!

 

Ayon kay Mathew Henry sa kanyang commentary tungkol dito: “You will find it to be no gospel at all – not really another gospel, but the perverting of the Gospel of Christ, and the overturning of the foundations of that – whereby he intimates that those who go about to establish any other way to heaven than what the Gospel of

 

Christ has revealed are guilty of a gross perversion of it, and in the issue will find themselves wretchedly mistaken.”

 

Ang Gospel truth na itinuro ni Pablo, na siyang Gospel truth na ating tinanggap ay exclusive!

 

There is only one Gospel truth! All other man-made suggestions regarding soteriology only lead to destruction.

 

“In Christ the solid rock I stand, all other ground is sinking sand, ALL OTHER GROUND IS SINKING SAND.

 

Ang sabi ng Panginoong Hesus ay “I am one of the many ways…” Yun po ba ang sinabi Niya? Ang sabi Niya, “I am the best of the few ways…” Tama po ba? “I am the truth of the majority...” “I am one of the many truths…”

John 14:6 Legacy Standard Bible 6 Jesus said to him, “I am THE way, and THE truth, and THE life. NO ONE comes to the Father but through Me.

No one comes to the Father but through Christ!

 

Christ is the exclusive Way. Christ is the exclusive truth. Christ is the exclusive life.

 

Truth # 2

Isa lang ang ating Tagapagligtas. Ibig sabihin, isa lang ang Gospel na nagliligtas.

 

Verse 8

8 But even if we, or an angel from heaven, should proclaim to you a gospel contrary to the gospel we have proclaimed to you, let him be accursed!

 

Ganun na lamang po ang confidence ni Pablo sa pag-defend ng exclusivity of the Gospel of grace na kanyang pini-preach to say na ito lamang ang totoong Gospel. Wala nang iba. Kung meron man daw sa kanila – meaning, sa mga kasamang manggagawa ni Pablo ang nagpi-preach ng ibang katuruan na salungat o iba sa Gospel na kanyang pini-preach let them be accursed (Greek: Anathema) na ang ibig sahibin ay - a thing devoted to God without hope of being redeemed, and if an animal, to be slain; therefore a person or thing doomed to destruction – isang sumpa sa sinuman ang magpervert ng Gospel of Christ.

 

At dahil nga china-challenge noon ng mga Judaizers si Pablo- ang kanyang authority at ang authority ng Gospel na kanyang pini- preach, na ayon kay John Calvin, ay ginagamit ang kanilang mga titulo, ay inadress niya ang mga ito laban din sa kanilang mga titulo: na kahit man daw anghel pa, na galing pa sa langit, ang mag- proclaim ng ibang katuruan, hindi ito dapat tanggapin bagkus - let him be anathema!


Sapagkat kung may anghel man na sasalungat sa Gospel ni Christ na kanyang pini-preach, ito ay isang demonyo dahil ang katuruan na ito ay galing sa demonyo.

 

Verse 9

9 As we have said before, so I say again now, if any man is proclaiming to you a gospel contrary to what you received, let him be accursed!

 

Inulit pa ng isang beses ni Pablo… “As we have said before, so I say again now…” Ang ibig sabihin nito ay binibigyan sila ni Pablo ng last warning. Binigyan ulit ni Pablo ng emphasis ang kanyang sinabi na kung mayroong magpo-proclaim ng ibang katuruan, ito ay dapat sumpain.


Bakit kaya ganito ka-tindi ng pag-sumpa ni Pablo sa mga sumasalungat at nagbabago ng Gospel ni Christ?

Isaiah 46:9-10 Legacy Standard Bible 9 Remember the former things long past, For I am God, and there is no other; I am God, and there is no one like Me, 10 Declaring the end from the beginning, And from ancient times things which have not been done, Saying, ‘My counsel will be established, And I will accomplish all My good pleasure’,

Ang pagsalungat sa Gospel ni Christ ay pagsalungat sa character at sovereignty ng Diyos. Ang pagsalungat sa Gospel ni Christ ay pagsalungat sa holiness ng Diyos. Ang pagsalungat sa Gospel ni Christ ay pagsalungat sa kanyang holy counsel, sa kanyang holy wisdom, at sa kanyang holy decree. Ang pagsalungat sa Gospel ni Christ ay pagsalungat sa pagka-Diyos ng ating Diyos na makapangyarihan sa lahat!

 

Kung ang mga unregenerate nga ay walang karapatang sumalungat sa counsel Diyos na buhay. Lalo pa ba sa isang professing Christian – ito ay hindi katanggap-tanggap.

 

Sa history po ng sangnilikha, wala pa pong sumalungat sa sovereignty ng Diyos at nagging successful.

 

Ang mga anghel noon na sumalungat sa Kanyang pagka-Diyos ay Kanyang isinumpa at sa hinaharap ay parurusahan sa impiyerno. Sa Lumang Tipan, ang lahat ng sumalungat sa Kanyang pagka- Diyos ay namatay at sa hinaharap ay parurusahan sa impiyerno.

 

Ang mga nagba-bastardize o nagpe-pervert sa Gospel ni Christ ay sumasalungat sa holy counsel, sa holy wisdom at holy will ng Diyos. Ang gusto ba nilang sabihin dito ay mas marunong pa sila sa

 

Diyos sa kaparaanan na Kanyang pinili at inordain para sa kaligtasan ng Kanyang mga pinili? Na mas maalam pa sila sa kung ano ang magpro-propitiate ng galit ng Diyos? Pinalalabas ba nila na kulang pa ang ibinayad ng dakilang dugo ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa krus ng Kalbaryo dahil meron pa silang gustong idagdag dito? Na ineffectual ang calling ng mga pinili at insufficient pa ang sacrifice ni Hesus sa krus for salvation dahil meron pa tayong dapat idagdag na mga palpak na mga gawain at mga useless na tradisyon?

 

Di sana sinabi ng Panginoong Hesus noong mga huling sandali Niya sa krus 2,000 taon na ang nakakalipas,… “It is incomplete!” “Kayo na ang magtuloy!”“Bahala na kayo!” Yun po ba ang binigkas ng ating Panginoon? Hindi po! Ang sinabi Niya bago siya malagutan ng hininga ay “It is finished!”  Greek: Tetelestai! – ito ay isang accounting term na ang ibig sabihin ay “Paid In Full” - that a literal debt has been fully paid. Ito rin ay isang Judicial term na nagsasabi na ang isang sentensiya ng parusa ay “Fully Served.” Ito rin ay isang Military term na nagsasabi that “The Battle Won.” Meron pa po ba, sa tingin natin, ang kulang dito?

 

Ito ang piniling paraan ng ating sovereign na Panginoon upang maging propitiation para ang galit Niya sa Kanyang mga pinili ay mawala - na sa halip na tayo ay mga object of God’s wrath, tayo po ngayon ay objects of His mercy.

 

Ito ang Kanyang royal decree. Ito ay sufficient in saving His chosen people.

 

Ang pag-pervert ng Gospel ni Christ ay pag-atake sa sovereign will ng ating Panginoon - at ito ay kasumpa-sumpa!

 

Ang ibang mga katuruan ngayon na pinipreach ng mga kulto gaya ng mga doktrina ng Roman Catholicism, INC, at ibang sub-Christian cults gaya ng Dating Daan, Mormonism at Watchtower

 

Religion na nagsasabing may kakayanan ang ng tao upang iligtas ang kanyang sarili over and above God’s chosen way to salvation ay mga uri ng perversion ng Gospel ni Christ that attacks the very character of God. According to Paul, let them be anathema.

 

God’s will is perfect. His royal decrees remain. His sovereign counsel as well as His will cannot be changed because God is immutable.

James 1:17 Legacy Standard Bible 17 Every good thing given and every perfect gift is from above, coming down from the Father of lights, with whom there is no variation or shifting shadow.

The Gospel is His Way. It is His only Way.

 

Truth # 3

The Gospel of Christ is God’s wisdom, counsel and royal decree. It is His will. It is complete. It is sufficient. It is perfect.


The exclusivity of the Gospel of Christ is the truth by which a Church survives or it is the truth by which it falls.


How it is proclaimed proves its leaders to be faithful or it proves that they are heretics.


How it is lived out by its members proves their election or it proves their damnation.


Mga Kapatid, let us be known for the proclaiming the exclusivity of the Gospel of Christ:


Conclusion:

Truth # 1 Ang Iglesia ng Diyos ay Iglesia ng Kanyang Salita.

Truth # 2 Isa lang ang ating Tagapagligtas. Isa lang ang Gospel na nagliligtas.

Truth # 3 The Gospel of Christ is God’s wisdom, counsel and royal decree. It is His will. It is complete. It is sufficient. It is perfect.

Romans 1:16 Legacy Standard Bible 16 For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek.

Nawa’y makilala tayo bilang isang Iglesia ng Kanyang Salita na hinding-hindi kailanman ikahihiya o tatalikod sa Gospel ni Christ. Nawa’y makilala tayo as bold proclaimers of this Gospel truth sa lahat ng ating makakasalamuha. Nawa’y makita sa mga buhay natin ang patotoo na ang Gospel ni Christ ay ang kapangyarihan ng Diyos sa ikaliligtas ng bawa't sumasampalataya ngayon at magpakailan man, AMEN.


 

Bro Erwin Creencia is an elder at Spirit Filled Community Church.

64 views

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page