top of page
Writer's pictureRP Team

Bakit Mahalaga ang Expository Preaching?


Ang Expository Preaching ay kinikilala bilang isa sa mga pinaka-essential na marka ng isang malusog na iglesya. Ito ay isang ma-ingat na pag-aaral at pagsusuri sa mensahe ng teksto na nanggagaling sa bibliya, pagkonekta nito sa ebanghelyo at pagdeliver sa mga makikinig sa isang praktikal na paraan na magagamit sa kanilang buhay.


Ang gawaing ito ay hindi basta-basta. May tendency ang sinumang preacher na bawasan o dagdagan ang mensahe na ipinaparating ng salita ng Diyos. Ngunit mahalagang tandaan na ang mga preachers ay mga tagapagsalita o mensahero lamang. Ang pinakamataas na trabaho ng isang tagapagsalita ay ang mailahad ng tama kung anu ang pinapasabi sa kanya. Masasabi niyang matagumpay siya sa kaniyang gawain kapag malinaw at eksakto ang mensaheng ipinasa sa kaniya upang iparating sa mga makikinig. Ito ang trabaho ng isang preacher. Ang nagpapalakas, nagbabago at nagpapalago sa mga mananampalataya ay hindi ang mga salita ng preacher kundi ang salita ng Diyos kaya ganun na lang kahalaga na maging tapat ang mga preacher sa paghahatid ng salita ng Diyos sa mga tagapakinig at hindi ang laman ng sarili nilang isip o damdamin.


Ang ating nais ay ang mapakain ng wastong salita ng Diyos ang mga tupa na ipinagkatiwala sa atin ng Panginoon. Ang pagbabasa, pag-aaral, at paghahayag ng salita ng Diyos ay hindi mababaw na gawain. Ito ang isa sa pinakamahalagang trabaho ng isang pastor o elder, kung kaya’t kailangan natin bigyan ng labis na pagpapahalaga ito. Upang lalong mapagtibay ang ating determinasyon na gawin ito ng mahusay, tignan natin ang isang excerpt mula sa mga isinulat ni Richard Baxter, isang puritan pastor-theologian na namuhay noon pang 1600s:


“Ang gawaing ito ay dapat pangasiwaan ng may kasipagan at kasigasigan, yamang napakabigat ng consequences nito sa iba at sa ating sarili. Hinahangad nating itaguyod ang daigdig, iligtas ito mula sa sumpa ng Diyos, pangunahan ang nilikha, upang makamit ang layunin ng redemption ni Kristo, iligtas ang ating sarili at ang iba mula sa kapahamakan, upang madaig ang diyablo at gibain ang kanyang kaharian, upang itatag ang kaharian ni Kristo, at upang matamo at tulungan ang iba na makamit ang kaharian ng kaluwalhatian. Ang mga gawaing ito ba ay dapat gawin nang walang ingat o ng gamit ang kamay na may katamaran? Oh, i-layon natin na ang gawaing ito ay matapos nang buong nating lakas. Mag-aral ng mabuti, dahil malalim ang balon ng karunungan ngunit mababaw ang ating kaisipan. Lalo na maging masipag sa pagsasanay at paggamit ng iyong kaalaman. Hayaang patuloy na tumunog sa iyong mga tenga ang mga salita ni Pablo: "Sapagkat ito ay iniatang sa akin, at sa aba ko kung hindi ko ipangaral ang ebanghelyo!" (1 Cor 9:16) Pag-isipang mabuti kung ano ang nasa iyong mga kamay: "Kung hindi ko gigisingin ang aking sarili, si Satanas ay maaaring manaig, at ang mga taong iniatang sakin ay maaaring magpakailanman ay mapahamak, at ang kanilang dugo ay sisingilin sa aking kamay (Ezek 3:18). Sa pamamagitan ng pag-iwas sa bigatin at sakripisyo ng pagtuturo, ako ay magdadala sa aking sarili ng libong beses na higit na bigatin kaysa iniiwasan ko.” (Richard Baxter, The Reformed Pastor)
79 views

Recent Posts

See All

1 Comment


JeffChavez 1689
JeffChavez 1689
Nov 09, 2022

Wow. I was rereading this last night. SDG!

Like
bottom of page